Monday, June 10, 2013

letter to mr rafael navera

May 22, 2013 Dear raffy Sobrang tagal na panahon ang lumipas lagi kitang naaalala, na mimiss ikaw lang kasi ang lalaki na nakakausap ko sa sulat na hindi ako nahihiya na magsabi nang mga kasiyahan kalungkutan kabiguaan ko sa buhay. Hindi ko na matandaan ang huli nating paguusap. Hindi ko din alam kung bakit oh paano natigil ang mga sulat natin. Natatandaan ko sumulat ako sa iyo sa bago mong bahay sa cavite pero hindi ka na sumulat. Natatandaan ko din na sa huli mong sulat ay may anak ka na at asawa na aalis ka na papuntang ibang bansa. Hindi ko alam kung isip ko lang ito or ito ang sulat mo sa akin hindi ko na makita ang iba mo pang sulat. Kamusta ka na? masaya ka ba? sana masaya ka sa buhay mo alam ko na marami kang pagsubok na dinaanan oh pinagdadaanan pero sa kabila noon kapag nagkikita tayo oh sumusulat ka nandoon ang mga ngiti mo ang saya ang ligaya na nadadama ko sa sulat. Alam mo ba na mahal kita noon, masaya ako kapag sumusulat ka malungkot ako kapag nababasa ko na may mahal kang iba at nasaktan ako nang nalaman kong may asawa ka na. sinasabi ko ito sa iyo kasi ayoko na maglihim sa iyo kaibigan kita yon ang mahalaga. Alam ko na hindi ganoon ang pagtingin mo sa akin alam ko na pagmamahal nang isang kaibigan ang mabibigay mo sa akin kaya masaya pa rin ako. Alam mo ba na nahihiya akong magkuwento kapag nagkikita tayo. Mas madaldal ako kapag sa sulat hahaha. Kahapon hindi ako makatulog nabasa ko uli ang sulat mo. Naalala kita uli napanaginipan pa kita hahaha. Nasa isang school tayo. Magkikita na daw tayo sa wakas pero naghintay ako nang naghintay wala ka pa din. Nagtxt ka na umalis ka pero babalik ka uli. Habang nagtext ako sa iyo kung nasaan ka na sinigaw mo ang pangalan ko nakita kita nakaschool uniform ka hahaha at nakita ko na ako din school uniform nang st francis nakita tayo nagyakapan hinalikan mo ako sa pisngi sinabi ko na namiss kita. Niyaya mo ako sa baba kasi nandoon ang misis mo nakita ko siya sabi mo na kaya wala ka pa kasi binalikan mo pa siya. Kinamusta kita sabi mo nagaaral ka uli matagal nang kuwentuhan natin pero hindi ko na maalala. Tinawag ako nang mga kasama ko aalis na daw kami. Hawak mo ang kamay ko nang magpaalam ako hinalikan mo ako uli sa pisngi nang tatlong beses sabi ko magkita tayo uli. sabi mo kung papayagan ka nang asawa mo. Tumayo ako nagmamadaling sumunod sa mga kasama ko paglingon ko wala ka na. sumakay ako nang tricycle doon ako nagising alauna na nang hapon ngayon. Kaya sabi ko susulat ako sa iyo baka sakaling makuha mo pa din itong sulat ko. Hinanap kita sa friendster noon wala sa facebook ngayon wala pa din kahit nga sila jennifer tugagao hindi ko din makita kung sa bagay nagasawa na siya kaya iba na apelyido niya eh ikaw kahit na may asawa ka na pareho pa rin. Pero wala hindi kita makita. Raffy sa pinakaguwapo kong kaibigan salamat sa pagiging kaibigan mo, salamat sa mga sulat, salamat sa panahon na binigay mo. Magaan ang loob ko na magsabi sa iyo dahil alam ko binabasa mo at iniintindi mo ang mga sulat ko kahit na alam ko ang hirap mo noon sa pamilya mo. Maging masaya ka lagi hindi ko alam kung makakadaing sa iyo ang sulat ko na ito. Sana, pero wag kang magalala kong hindi ito makakarating sa iyo hahanapin pa din kita, at kung hindi na kita makita wag ka pa ring magalala dahil nadito ka sa isip at puso ko. Isang kaibigan karina

1 comment:

  1. sobrang lungkot ko nang panahon na ito binuksan ko mga sulat mo sa akin alam mo tinago ko pa din mga sulat mo liham mo halos 20 years old na hinanap kita pero wala hindi kita makita alam ko na sabi mo na magseaman ka sana natupad yon hindi ko alam kong may baby ka na kasi sabi mo magkakaroon ka na sana masaya ka sana mapayuhan mo ako uli na mimiss ko na mga sulat mo sa akin kahit sulat mo parang kinahid na manok hehehe sana isang araw magkita tayo uli

    ReplyDelete