Monday, June 10, 2013
letter to mr rafael navera
May 22, 2013
Dear raffy
Sobrang tagal na panahon ang lumipas lagi kitang naaalala, na mimiss ikaw lang kasi ang lalaki na nakakausap ko sa sulat na hindi ako nahihiya na magsabi nang mga kasiyahan kalungkutan kabiguaan ko sa buhay. Hindi ko na matandaan ang huli nating paguusap. Hindi ko din alam kung bakit oh paano natigil ang mga sulat natin. Natatandaan ko sumulat ako sa iyo sa bago mong bahay sa cavite pero hindi ka na sumulat. Natatandaan ko din na sa huli mong sulat ay may anak ka na at asawa na aalis ka na papuntang ibang bansa. Hindi ko alam kung isip ko lang ito or ito ang sulat mo sa akin hindi ko na makita ang iba mo pang sulat. Kamusta ka na? masaya ka ba? sana masaya ka sa buhay mo alam ko na marami kang pagsubok na dinaanan oh pinagdadaanan pero sa kabila noon kapag nagkikita tayo oh sumusulat ka nandoon ang mga ngiti mo ang saya ang ligaya na nadadama ko sa sulat. Alam mo ba na mahal kita noon, masaya ako kapag sumusulat ka malungkot ako kapag nababasa ko na may mahal kang iba at nasaktan ako nang nalaman kong may asawa ka na. sinasabi ko ito sa iyo kasi ayoko na maglihim sa iyo kaibigan kita yon ang mahalaga. Alam ko na hindi ganoon ang pagtingin mo sa akin alam ko na pagmamahal nang isang kaibigan ang mabibigay mo sa akin kaya masaya pa rin ako. Alam mo ba na nahihiya akong magkuwento kapag nagkikita tayo. Mas madaldal ako kapag sa sulat hahaha. Kahapon hindi ako makatulog nabasa ko uli ang sulat mo. Naalala kita uli napanaginipan pa kita hahaha. Nasa isang school tayo. Magkikita na daw tayo sa wakas pero naghintay ako nang naghintay wala ka pa din. Nagtxt ka na umalis ka pero babalik ka uli. Habang nagtext ako sa iyo kung nasaan ka na sinigaw mo ang pangalan ko nakita kita nakaschool uniform ka hahaha at nakita ko na ako din school uniform nang st francis nakita tayo nagyakapan hinalikan mo ako sa pisngi sinabi ko na namiss kita. Niyaya mo ako sa baba kasi nandoon ang misis mo nakita ko siya sabi mo na kaya wala ka pa kasi binalikan mo pa siya. Kinamusta kita sabi mo nagaaral ka uli matagal nang kuwentuhan natin pero hindi ko na maalala. Tinawag ako nang mga kasama ko aalis na daw kami. Hawak mo ang kamay ko nang magpaalam ako hinalikan mo ako uli sa pisngi nang tatlong beses sabi ko magkita tayo uli. sabi mo kung papayagan ka nang asawa mo. Tumayo ako nagmamadaling sumunod sa mga kasama ko paglingon ko wala ka na. sumakay ako nang tricycle doon ako nagising alauna na nang hapon ngayon. Kaya sabi ko susulat ako sa iyo baka sakaling makuha mo pa din itong sulat ko. Hinanap kita sa friendster noon wala sa facebook ngayon wala pa din kahit nga sila jennifer tugagao hindi ko din makita kung sa bagay nagasawa na siya kaya iba na apelyido niya eh ikaw kahit na may asawa ka na pareho pa rin. Pero wala hindi kita makita. Raffy sa pinakaguwapo kong kaibigan salamat sa pagiging kaibigan mo, salamat sa mga sulat, salamat sa panahon na binigay mo. Magaan ang loob ko na magsabi sa iyo dahil alam ko binabasa mo at iniintindi mo ang mga sulat ko kahit na alam ko ang hirap mo noon sa pamilya mo. Maging masaya ka lagi hindi ko alam kung makakadaing sa iyo ang sulat ko na ito. Sana, pero wag kang magalala kong hindi ito makakarating sa iyo hahanapin pa din kita, at kung hindi na kita makita wag ka pa ring magalala dahil nadito ka sa isip at puso ko. Isang kaibigan
karina
Birthday 2013
noong buhay pa si mama 2011 hindi ako naghanda nang bday ko sabi ko kay mama wag na kasi mahal pero si mama hindi niya ako pinabayaan naghanda siya nang spagetti bumili siya sa pera niya kahit ako ang nagluto naiyak ako kasi kahit wala kami noon bumili pa rin siya nang rekado para sa spagetti na handa ko. noong 2012 nasa funeral parlor ako nagbirthday walang cake walang spagetti si dulce lang ang nagyaya sa akin sa mcdo at nagblowout sa akin para macelebrate ang bday ko ni wala man lang nakaalala kung hindi ko pa sinabi sa kanila na bday ko kung nandoon si mama siya ang makakaalala siya ang babati sa akin siya ang maghahanda. ngayon 2013 asawa pa ni yes ang nakaalala sa bday ko ang nagbigay nang cake kaming dalawa ni amanda ang nagcelebrate nang bday ko. si amanda ang nagpasaya sa akin sa araw na yon na gusto ko nang kalimutan wala na akong birthday










mama's first year anniversary feb 27 2013
isang taon mula nang mawala si mama sa amin... isang taon nang mawala ang pamilya ko ... magisa na lang ako ngayon, nang mawala si mama kasama noon nawala ang mga kapatid ko. hindi ko alam kung kapatid pa din ang tingin nila sa akin. lalo na si jayson ang sakit niya magsalita alam ko natakot siya dahil nawalan ako nang trabaho wala na kasi akong pera na makakatulong sa kanya isa na akong palamunin pero bago ako humingi sa kanya inubos ko lahat nang pera ko makabayad sa bahay sa tubig ni hindi niya pinublema ang bahay kahit 5buwan akong wala trabaho. bakit wala akong trabaho bigla akong natakot bigla akong napagod gusto ko makasama si amanda pamangkin ko pero pati siya pinagkakait nila sa akin. alam mo ba ang sabi nang bata sa akin kailangan na sekreto namin dalawa na mahal niya ako at mamimiss pag nasa pasig siya kasi ayaw ni mama at papa niya. parang si marti lang noong nakina tita malou ako pinagbabawalan din ako na mahalin ang bata at mahalin din ako. ang sama sama ko sigurong kapatid. si jayr alam ko gusto na din akong tulungan pero may pamilya na siya kailangan na din niyang maging masaya tapos na paghihirap niya kay mama pero ito naman ako. hiyang hiya sa kanya buti wala na si mama para hindi na niya nakikita ito sa akin pero sana hindi siya umalis pa may kapatid pa din ako pero magisa na ako ngayon kahit si amanda nilayo na nila sa akin. ang sama sama ko hindi ko man lang mapaghandaan si mama


Subscribe to:
Posts (Atom)