Monday, June 10, 2013

letter to mr rafael navera

May 22, 2013 Dear raffy Sobrang tagal na panahon ang lumipas lagi kitang naaalala, na mimiss ikaw lang kasi ang lalaki na nakakausap ko sa sulat na hindi ako nahihiya na magsabi nang mga kasiyahan kalungkutan kabiguaan ko sa buhay. Hindi ko na matandaan ang huli nating paguusap. Hindi ko din alam kung bakit oh paano natigil ang mga sulat natin. Natatandaan ko sumulat ako sa iyo sa bago mong bahay sa cavite pero hindi ka na sumulat. Natatandaan ko din na sa huli mong sulat ay may anak ka na at asawa na aalis ka na papuntang ibang bansa. Hindi ko alam kung isip ko lang ito or ito ang sulat mo sa akin hindi ko na makita ang iba mo pang sulat. Kamusta ka na? masaya ka ba? sana masaya ka sa buhay mo alam ko na marami kang pagsubok na dinaanan oh pinagdadaanan pero sa kabila noon kapag nagkikita tayo oh sumusulat ka nandoon ang mga ngiti mo ang saya ang ligaya na nadadama ko sa sulat. Alam mo ba na mahal kita noon, masaya ako kapag sumusulat ka malungkot ako kapag nababasa ko na may mahal kang iba at nasaktan ako nang nalaman kong may asawa ka na. sinasabi ko ito sa iyo kasi ayoko na maglihim sa iyo kaibigan kita yon ang mahalaga. Alam ko na hindi ganoon ang pagtingin mo sa akin alam ko na pagmamahal nang isang kaibigan ang mabibigay mo sa akin kaya masaya pa rin ako. Alam mo ba na nahihiya akong magkuwento kapag nagkikita tayo. Mas madaldal ako kapag sa sulat hahaha. Kahapon hindi ako makatulog nabasa ko uli ang sulat mo. Naalala kita uli napanaginipan pa kita hahaha. Nasa isang school tayo. Magkikita na daw tayo sa wakas pero naghintay ako nang naghintay wala ka pa din. Nagtxt ka na umalis ka pero babalik ka uli. Habang nagtext ako sa iyo kung nasaan ka na sinigaw mo ang pangalan ko nakita kita nakaschool uniform ka hahaha at nakita ko na ako din school uniform nang st francis nakita tayo nagyakapan hinalikan mo ako sa pisngi sinabi ko na namiss kita. Niyaya mo ako sa baba kasi nandoon ang misis mo nakita ko siya sabi mo na kaya wala ka pa kasi binalikan mo pa siya. Kinamusta kita sabi mo nagaaral ka uli matagal nang kuwentuhan natin pero hindi ko na maalala. Tinawag ako nang mga kasama ko aalis na daw kami. Hawak mo ang kamay ko nang magpaalam ako hinalikan mo ako uli sa pisngi nang tatlong beses sabi ko magkita tayo uli. sabi mo kung papayagan ka nang asawa mo. Tumayo ako nagmamadaling sumunod sa mga kasama ko paglingon ko wala ka na. sumakay ako nang tricycle doon ako nagising alauna na nang hapon ngayon. Kaya sabi ko susulat ako sa iyo baka sakaling makuha mo pa din itong sulat ko. Hinanap kita sa friendster noon wala sa facebook ngayon wala pa din kahit nga sila jennifer tugagao hindi ko din makita kung sa bagay nagasawa na siya kaya iba na apelyido niya eh ikaw kahit na may asawa ka na pareho pa rin. Pero wala hindi kita makita. Raffy sa pinakaguwapo kong kaibigan salamat sa pagiging kaibigan mo, salamat sa mga sulat, salamat sa panahon na binigay mo. Magaan ang loob ko na magsabi sa iyo dahil alam ko binabasa mo at iniintindi mo ang mga sulat ko kahit na alam ko ang hirap mo noon sa pamilya mo. Maging masaya ka lagi hindi ko alam kung makakadaing sa iyo ang sulat ko na ito. Sana, pero wag kang magalala kong hindi ito makakarating sa iyo hahanapin pa din kita, at kung hindi na kita makita wag ka pa ring magalala dahil nadito ka sa isip at puso ko. Isang kaibigan karina

Birthday 2013

noong buhay pa si mama 2011 hindi ako naghanda nang bday ko sabi ko kay mama wag na kasi mahal pero si mama hindi niya ako pinabayaan naghanda siya nang spagetti bumili siya sa pera niya kahit ako ang nagluto naiyak ako kasi kahit wala kami noon bumili pa rin siya nang rekado para sa spagetti na handa ko. noong 2012 nasa funeral parlor ako nagbirthday walang cake walang spagetti si dulce lang ang nagyaya sa akin sa mcdo at nagblowout sa akin para macelebrate ang bday ko ni wala man lang nakaalala kung hindi ko pa sinabi sa kanila na bday ko kung nandoon si mama siya ang makakaalala siya ang babati sa akin siya ang maghahanda. ngayon 2013 asawa pa ni yes ang nakaalala sa bday ko ang nagbigay nang cake kaming dalawa ni amanda ang nagcelebrate nang bday ko. si amanda ang nagpasaya sa akin sa araw na yon na gusto ko nang kalimutan wala na akong birthday

mama's first year anniversary feb 27 2013

isang taon mula nang mawala si mama sa amin... isang taon nang mawala ang pamilya ko ... magisa na lang ako ngayon, nang mawala si mama kasama noon nawala ang mga kapatid ko. hindi ko alam kung kapatid pa din ang tingin nila sa akin. lalo na si jayson ang sakit niya magsalita alam ko natakot siya dahil nawalan ako nang trabaho wala na kasi akong pera na makakatulong sa kanya isa na akong palamunin pero bago ako humingi sa kanya inubos ko lahat nang pera ko makabayad sa bahay sa tubig ni hindi niya pinublema ang bahay kahit 5buwan akong wala trabaho. bakit wala akong trabaho bigla akong natakot bigla akong napagod gusto ko makasama si amanda pamangkin ko pero pati siya pinagkakait nila sa akin. alam mo ba ang sabi nang bata sa akin kailangan na sekreto namin dalawa na mahal niya ako at mamimiss pag nasa pasig siya kasi ayaw ni mama at papa niya. parang si marti lang noong nakina tita malou ako pinagbabawalan din ako na mahalin ang bata at mahalin din ako. ang sama sama ko sigurong kapatid. si jayr alam ko gusto na din akong tulungan pero may pamilya na siya kailangan na din niyang maging masaya tapos na paghihirap niya kay mama pero ito naman ako. hiyang hiya sa kanya buti wala na si mama para hindi na niya nakikita ito sa akin pero sana hindi siya umalis pa may kapatid pa din ako pero magisa na ako ngayon kahit si amanda nilayo na nila sa akin. ang sama sama ko hindi ko man lang mapaghandaan si mama

Thursday, May 10, 2012

PaMiLyA

dahil sa pagibig pinakasalan mo ang papa ko. pero mahirap si papa kaya problema ay hindi nawawala hindi pa siya gusto ni lola kaya pinaglayo kayo hangang ako ay isilang. iniwan mo ako kay lola para hindi ako maghirap. masipag si papa sumubok magibang bansa minsan naloko at nabigo pero hindi sumuko. nakapagabrod din at medyo guminhawa ang buhay nakalipat sa apartment nakapagaral sa magandang school. pero malupit ang diyos may 9 1991 kinuha niya si papa gumuho ang mundo mo mama. nagpasya na sa mindoro tumira at doon magpatuloy magaral. nakapag trabaho ka din unang trabaho mo hirap ka alam ko. kaya nagsikap ako nakatapos nang highschool. sa maynila nagbalak magcollege sa piling nila tita malou. matipid ako noon kalahati nang tuition ko binibigay ko kay mama dahil kailangan nila. kung ang iba kong mga pinsan ay nagaaral at nagagawa ang gusto. si jayson nagtratrabaho para makatulong. si jayr nakaranas nang hirap na dapat ang bata ay hindi. iniwan ko kayo para makapag-aral sa tulong ni tita baby siya ang nagbabayad nang school at si tita malou naman ay tirahan at pakain. doon ko naranasan kung ano ang pamilya sa kanila. nagalaga nang bata naglilinis nang bahay naghuhugas nang pinggan naglilinis nang kotse natutulog sa sahig kumakain kasabay nang kasambahay. hindi pamilya ang turin nila sa akin isa rin sa mga kasambahay na kailangan na may kapalit ang putanginang utang na loob. doon mo maranasan ang ingit sa katawan kahit ayaw mo. hindi sa damit hindi sa sapatos hindi sa bag kung hindi sa masasarap nilang pagkain sa lugar na pinupuntahan nila. doon ako nakadama nang hiya sa sarili dahil hindi ako kapamilya nila. si manang isang kasambahay nagsabi sa akin na hindi ka naman nila kapamilya dito. katulong ang turin nila sa iyo. masakit pakingan pero tutoo. pero utang na loob ko sa kanila na doon ako nakatira at kumakain. doon ko nakita ang ibang trato nila sa amin kesa sa ibang pinsan ko. nakakatawa kapag nakita mo sila mama at lola namamalimos sa kanila humihingi nang tulong. parang soap opera. hirap na hirap bigyan nang pera si lola para sa gamot ni lolo. nang mamamatay si lolo kala ko hindi na rin kaya ni lola pero nakaya niya pero naghina na sya. kung kelan may sakit saka nagpaparamdam noong malakas na puwedeng ipasyal pakainin nang masasarap ay hindi maalala. nang mamatay si lola nagulat kami sabi ni mama tutulong daw si tita magbibigay tulong sa amin buwan buwan. sabi ko salamat naalala na rin niya na kapatid niya ito kailangan nang tulong dahil may sakit. nang lumipat kami dito sa antipolo nawala na yon sabi nila siguro kaya ko na or kaya na namin si mama. pero malupit talaga ang diyos lalo lumala si mama kailangan 2times ang dialysis at gamot saan na naman kami kukuha noon. buti na lang may magandang trabaho si jayr siya ang most nagbibigay kay mama. alam ko hirap siya pero kinakaya niya. sinasabi ko dito jayr wala kaming kinukuha sa kay mama sa kanya lahat yon sa dialysis niya minsan kulang pa. mahirap ang buhay buwan buwan isip mo kung saan kukuha pera sa gamot at dialysis ni mama. pero ni minsan wala sa mga kapatid niya tumawag at nagtanong jing ano ba matutulong ko may gamot ka pa ba dito lang kami. kapatid niyo siya habang libo libo gastos niyo sa kung ano ano kapatid niyo naghihirap. inisip ko na rin naman yan kasi magulang nga nila pinababayaan nila noon si mama pa. nakakatawa naman magisip na puwedeng magbago. na may magbabago feb 27 2012 namatay si mama kasama noon ang buhay ko. hindi ko na mabawi hindi ako makapagumpisa. nakikita ko ang mga kapamilya ko nagsasaya nakakapagtrip kahit saan alam ko wala akong karapatan mahirap ako eh mayaman sila sino ba ako ang tanong ko lang Panginoon bakit kayo ganoon hindi naman mahirap ang hiling ko isang trabaho isang magandang suweldo isang magandang kapalaran lang. hindi naman ako humihiling na illusion ko dahil alam ko hindi mabibigay hindi ako umaasa na himala ay bibigyan ako nang tita ko nang pera para makapagnegosyo kahit hingiin ko yon sasabihin sa akin na hindi ko mababalik ang pera nila pero sadyang malupit siya sa akin nakalimutan na niya ako